Saturday, October 20, 2012

Wolfgang - "Sandata"

"Sandata" is the first single off the new album, "Ang Bagong Dugo Sa Lumang Ugat." According to frontman (and Radio Republic's Rock Bato host) Basti Artadi, 'Bagong Dugo' "is a story about this corrupt politician and his lineage. His well-meaning son takes over, starts clean, and ends up becoming exactly like his father."

The album itself will be released in installments through a series of EPs. The first EP, subtitled "Unang Kabanata," can now be purchased digitally via CDBaby.com. CDs will be available in major outlets soon.


“Unang Kabanata” features four songs, including “Sandata”, which the band has taken on the road and already built up a cult following for it.



Ako ang bunga ng bagong siglo

Anak ng hirap, luha at abo
Ang inyong mithiin ang nagbigay buhay sa akin
Sa bawat sulok may bagong kalaban

Sa bawat sandali may bagong hadlang
'Di sumusuko, hindi matatapakan
'Di luluhod at walang iiwasan
Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang susi sa pangarap mo
Parusa, pasanin mabigat sa damdamin
Kahit inosente pinipilit umamin
Walang mapuntahan, walang mataguan
Isang himagsikan yan ang kailangan
Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang susi sa pangarap mo
Kasangga mong wagas ngayon hanggang bukas
Kaalyado mong tunay sa tuwid na landas
Matibay ang lubid, kagitingang likas
Ako ang katarungan ng sandata mo
Larawan na walang mukhang galit at luha
Pinilit kang itapon
Sa paglipas ng mga panahon
Gumising ka't bumangon
Oras mo'y padating ngayon
Masdan mo ang pagyanig ng lupa
Pagsubok sayo ng lahat ng bathala
Sa iyong kamay, lahat nakasalalay
Itaas mo sa langit tanglaw ng tagumpay
Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang susi sa pangarap mo
Kasangga mong wagas ngayon hanggang bukas
Kaalyado mong tunay sa tuwid na landas
Matibay ang lubid, kagitingang likas
Ako ang katarungan ng sandata mo
~networld & WG